TUNGKOL SA KURSONG ITO

Aakayin kayo bawa’t hakbang ng kursong ito sa lahat ng nilalaman ng lengguwahe at kasanayan upang magamit nang mahusay ang Ingles sa antas na intermedya.

Ang kurso ay may apat na modyul mula sa panimula hanggang sa intermedyang antas. Ang isang modyul ay naglalaman ng 30 liksiyon na ibinibigay sa limang bahagi.

MODYUL 1
Bahagi A -Teksto para sa pagbabasa (naka-tape)
Bahagi B - Teksto para sa pakikinig (naka-tape)
Bahagi C - Pagsasanay para sukatin ang pang-unawa
Bahagi D - Pagsasanay sa bukabularyo o balarila
Bahagi E - Pagsasanay para sa pagsasaulo

MODYUL 2,3, at 4
Bahagi A - Teksto para sa pagbabasa
Bahagi B - Teksto para sa pakikinig (naka-tape)
Bahagi C - Pagsasanay para sukatin ang pang-unawa
Bahagi D - Pagsasanay sa bukabularyo o balarila
Bahagi E - Pagsasanay para sa pagsasaulo

Inaasahan na bawa’t liksiyon ay gugugol ng humigit-kumulang na 3 oras na pag-aaral. Ang buong kurso na may 120 liksiyon ay mangangailangan ng 360 oras na pag-aaral.

Ang kurso ay nagsisimula sa Modyul 1, ang siyang pinakasaligang antas (pag-aaral ng alpabeto), at unti-unting tataas sa Modyul 4 na nasa iiiantas na intermedya.

Kung hindi mo tiyak kung saan ka magsisimula sa kursong ito, sagutan mo muna ang pampuwestong pagsusulit.