ANG SARILING MAG-AARAL

*Ang mga liksiyon 1-4 ay iba ang pagkakaayos.

BAHAGI A: Teksto para sa pagbabasa
Mga bagong salita

Hanapin ang mga bagong salita sa iyong diksiyonaryo at isulat ang kahulugan nito. Pakinggan ang mga bagong salita. Pakinggang mabuti kung paano ang mga ito binibigkas. Iklik ang bawa’t salita, pakinggan, at ulitin matapos marinig ang boses.

Sa bahaging ito, mayroon ka ng bagong bukabularyo.

Teksto para sa pagbabasa (Modyul 1)
Makinig sa teksto at magbasa nang tahimik. Tiyakin na naiintindihan mo ang teksto. Makinig at magbasa hanggang gusto mo.

Sa bahaging ito, malalaman mo kung paano ginagamit ang bagong bukabularyo.

Teksto para sa pagbabasa (Modyul 2, 3, at 4)
Basahin nang tahimik ang teksto. Piliting maintindihan ito nang walang tulong ng diksiyonaryo. Pagkatapos, basahin nang malakas ang teksto.Kung mayroon kang hindi naintindihan, sangguniin ang diksiyonaryo (o isulat ito at itanong sa iyong mga kaibigan o guro pag nakita mo sila). Basahin nang malakas ang teksto. Gawin ito ng 2 o 3 beses upang pabilisin ang iyong pagbasa.
Sa bahaging ito, malalaman mo kung paano ginagamit ang bagong bukabularyo.

BAHAGI B: Teksto para sa pakikinig
Mga bagong salita

Pag-uusap
Makinig sa buong pag-uusap. Iklik ang bawa’t bahagi, pakinggan, at ulitin nang malakas. Makinig hanggang gusto mo at ulitin mo ang mga parte na sa tingin mo ay mahirap. Memoryahin mo ang mga bahagi ng usapan na sa palagay mo ay makatutulong sa iyo.

Sa bahaging ito, magkakaroon ka ng kasanayan sa pagsasalita.

BAHAGI C: Pagsasanay para sukatin ang pang-unawa
Sagutin ang mga tanong sa iskrin. Iklik ang “check” matapos makumpleto ang pagsasanay. Tingnan ang iyong mga sagot at ihambing sa mga halimbawang sagot. Minsan, ang isang sagot na naiiba ay maaaring tama rin.

BAHAGI D: Pagsasanay sa bukabularyo o balarila
Basahin ang mga tagubilin at pagkatapos, gawin ang mga pagsasanay. Tingnan kung tama ang iyong mga sagot sa pamamagitan ng pagklik sa “check box.” Kung ikaw ay may mali, ulitin mo ang pagsasanay. Matuto mula sa iyong mga mali.

BAHAGI E: Pagsasanay sa pagsasaulo
Basahin ang pangunahing pangungusap nang malakas. Tiyakin mo na naiintindihan mo ang kahulugan nito. Isaulo ang pangungusap. Kung ikaw ay handa na, iklik mo ang “next.” Punuan ang mga patlang para ulitin ang pangungusap. Tingnan kung tama ang iyong sagot. Kung ikaw ay may mali, ulitin ang pagsasanay. Matuto mula sa iyong mga mali.

Kapag may guro
Kapag may grupo ng mag-aaral nguni't walang guro