KAPAG MAY GURO

*Ang mga liksiyon 1-4 ay iba ang pagkakaayos.

BAHAGI A: Teksto para sa pagbabasa
Mga bagong salita

Bawa’t liksiyon ay may mga bagong bukabularyo na puwedeng ituro nang maaga (nahanap na ang kahulugan nito sa diksiyonaryo) o maaaring isama sa teksto o sa aktuwal na usapan (pahulaan ang kahulugan ayon sa pagkakagamit sa pag-uusap). Kung naituro ang mga salita nang maaga, hayaan ang mag-aaral na makabisa ang tamang pagbigkas nito bago magpatuloy. Kung hindi, tumuloy na sa ikalawang parte ng Bahagi A matapos ang isang beses na pakikinig sa bagong bukabularyo.
Himukin ang mga estudyante na gamitin ang kanilang diksiyonaryo. Ang paghahanap ng salita sa diksiyonaryo ay maaaring kailanganing ituro.

Sa bahaging ito, ang mag-aaral ay magkakaroon ng bagong bukabularyo.

Teksto para sa pagbabasa (Modyul 1)
Makikinig ang mga mag-aaral sa teksto at magbabasa nang tahimik ng isang beses lamang. Magtanong upang malaman kung hanggang saan ang naintindihan. Hayaan silang muling makinig at magbasa sa pangalawang pagkakataon. Ang mga guro na alam ang katutubong wika ng mga estudyante ay maaaring mag-atas sa kanila na isalin ang nilalaman ng bawa’t parapo o talataan.
Sa bahaging ito, matututunan ng mag-aaral kung paano gamitin ang bagong bukabularyo.

Teksto para sa pagbabasa (Modyul 2, 3, at 4)
Babasahin ng mga mag-aaral ang teksto ng isang beses lang, nang tahimik o nang malakas. Magbibigay ang guro ng mga katanungang pangkalahatan upang malaman kung gaano kalalim ang naintindihan. Pagkatapos, babasahin nang malakas ng mag-aaral ang teksto, talata sa talata. Magtatanong ang guro ng mga partikular na tanong na angkop sa bawa’t talata. Dapat mahimok ng guro ang mga estudyante na mag-isip sa wikang Ingles. Ang mga paliwanag ng guro ay dapat sabihin sa Ingles lamang. Ang pagsasalin, kung kinakailangan, ay dapat gawin para sa iisang salita o iisang parirala.

Sa bahaging ito, matututunan ng mag-aaral kung paano gamitin ang bagong bukabularyo.

BAHAGI B: Teksto para sa pakikinig
Mga bagong salita
Tulad din ng Bahagi A

Pag-uusap
Iparirinig ng guro ang naka-tape na usapan habang nakikinig ang buong klase nang hindi tumitingin sa teksto. Ang mga pangkalahatang tanong tungkol sa usapan ay ibibigay.
Titingnan ng buong klase ang teksto ng usapan at babaybayin nila ito sa patnubay ng guro na siyang maglilinaw sa mga bagay na nakalilito.
Ang mga estudyante ay pagpaparehahin upang praktisin ang pag-uusap; ang parehong parte ay kukunin ng bawa’t pares. Ito ay uulit-ulitin nila ng ilang beses para sila maging matatas sa pagsasalita.
Sa ilang sitwasyon, maaaring ipamemorya sa estudyante ang usapan at muling ipaganap ito sa harap ng klase.

Sa bahaging ito, magkakaroon ang mag-aaral ng kasanayan sa pagsasalita.

BAHAGI C: Pagsasanay para sukatin ang pang-unawa
Babasahin ng guro ang mga tanong at susubukan ng mga mag-aaral na sagutin ito nang pasalita at hindi tumitingin sa teksto. Ang mga sagot na tama sa pangkalahatan ay tatanggapin sa oras na ito.
Titingnan ngayon ng mga estudyante ang mga katanungan habang itinatanong muli ang mga ito ng guro. Muli, sasagot sila ng pasalita. Sa sandaling ito, maaaring tumingin ang mga mag-aaral sa teksto, habang hinihimok ng guro na magbigay sila ng tumpak na sagot, iyong tama sa balangkas at kahulugan ayon sa pagkakagamit.

Isusulat ngayon ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot sa mga tanong (maaari itong gawin bilang araling-bahay). Kokorekin ng guro ang homwork (puwede rin ang pagtutumpak ng kamag-aral o sariling pagwawasto) upang maipalabas ang kasagutan na may tamang balangkas at kahulugan.

BAHAGI D: Pagsasanay para sa bukabularyo o balarila
Una, magsasanay ang mga mag-aaral, nang pasalita, sa pagbalangkas at pagbibigay ng mga kahulugan sa patnubay ng guro na siyang magpapaliwanag at magbibigay ng karagdagang halimbawa kung kinakailangan. Ang mga pagsasanay ay kailangang magawa nang nakasulat at dapat korekin. Ang mga karaniwang pinagkakahirapan ay maibubukod at mapagtitibay bago magsimula ng bagong liksiyon.

BAHAGI E: Pagsasanay sa pagsasaulo
Walo hanggang sampung pangungusap ang ibibigay agad nang sabay-sabay. Ito ay babasahin ng mga estudyante. Tiyakin na ang mga ito ay nauunawaan nila. Pagkatapos, ang mga pangungusap ay ibibigay nang paisa-isa. Mememoryahin ng mga mag-aaral ang pangungusap at ipauulit ito sa pamamagitan ng pagpupuno sa mga patlang.

Kapag may gustong mag-aral nang sarili
Kapag may grupo ng mag-aaral nguni't walang guro