KAPAG
MAY GRUPO NG MAG-AARAL NGUNI’T WALANG GURO
Ang
mga liksiyon 1-4 ay iba ang pagkakaayos.
BAHAGI
A: Teksto para sa pagbabasa
Mga bagong salita
Bawa’t liksiyon ay may bagong bukabularyo. Matututunan
mo ang mga salitang ito sa pamamagitan ng paggamit ng
iyong diksiyonaryo. Ang mga mag-aaral sa grupo ay maaaring
magtanungan sa isa’t-isa tungkol sa pagbabaybay
at kahulugan ng mga bagong salita.
Sa bahaging ito, magkakaroon ang mag-aaral ng bagong
bukabularyo.
Teksto
para sa pagbabasa (Modyul 1)
Makikinig ang grupo sa teksto at magbabasa nang tahimik
ng isang beses lamang. Makikipagtalakayan ang mga mag-aaral
para tiyakin na naintindihan ng lahat ang naturang teksto.
Makikinig at magbabasa silang muli sa pangalawang pagkakataon.
Sa bahaging ito, malalaman ng mga mag-aaral kung paano
gamitin ang bagong bukabularyo.
Teksto
para sa pagbabasa (Modyul 2, 3, at 4)
Babasahin nang tahimik ng mga estudyante ang teksto
ng isang beses. Pagkatapos, maghahalinhinan sila ng
pagbasa nang malakas sa bawa’t talata. Ang kanilang
binasa ay tatalakayin nila, sa Ingles o sa sariling
wika, upang malaman kung naintindihan ng lahat ang nakasaad
doon.
Sa bahaging ito, malalaman ng mga mag-aaral kung paano
gamitin ang bagong bukabularyo.
BAHAGI
B: Teksto para sa pakikinig
Mga bagong salita
Tulad din ng Bahagi A
Pag-uusap
Makikinig ang mga mag-aaral sa naka-tape nang hindi
tumitingin sa teksto. Pagdidiskusyonan nila ang pangkalahatang
kahulugan ng usapan. Patutugtugin muli ang tape habang
sila ay sabay na nakikinig at nagbabasa. Matapos matiyak
na lahat ng nasa grupo ay nakakaintindi sa pinag-usapan,
magpapareha sila upang ganaping muli ang pag-uusap,
ang parehong parte ay kukunin ng pares. Ito ay maaaring
ulit-ulitin hanggang sa maging matatas sila sa pagsasalita.
Sa bahaging ito, magkakaroon ang mga mag-aaral ng kasanayan
sa pagsasalita.
BAHAGI
C: Pagsasanay para sukatin ang pang-unawa
Maaaring magsarili ang estudyante o makipareha sa iba.
Sagutin ang mga tanong sa iskrin. Iklik ang “check
box” pag natapos na ang pagsagot sa pagsasanay.
Tingnan kung tama ka sa pamamagitan ng paghahambing
sa mga halimbawang sagot. Minsa, ang naiibang sagot
ay maaaring tumpak rin.
BAHAGI
D: Pagsasanay sa bukabularyo o balarila
Ang mga pagsasanay ay dapat gawin at isumite nang nakasulat
at makorekan. Magtutulungan ang mga mag-aaral para malutas
ang kani-kanilang partikular na problema.
BAHAGI E: Pagsasanay sa pagsasaulo
Walo hanggang sampung pangungusap ang ibibigay nang
sabay-sabay. Babasahin ito ng mga mag-aaral at titiyakin
nila na naiintindihan nila ito, kung kinakailangan,
sa tulong ng kanilang mga kasamahan. Pagkatapos, ibibigay
ang mga pangungusap nang isa-isa. Isasaulo ng mga estudyante
ang pangungusap at uulitin nila ito sa pamamagitan ng
pagpupuno sa mga patlang.
•
Kapag
may gustong mag-aral nang sarili
• Kapag
may guro
|